-- Advertisements --

Ibinahagi ng abogado ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang ilang ebidensiya sa Office of the Prosecutor at mga Common Legal Representatives of Victims (CLRV).

Inihain ito nitong Nobyembre 25 ilang araw bago ang pormal na pagdinig sa kasong Crime against Humanity laban kay dating pangulong Duterte sa International Criminal Court’s (ICC) .

Mayroong 63 items ang isinumite ng defense team ni Duterte.

Kinabibilangan ito ng ilang press articles, opinion columns, reports, listahan ng tables at graphics, mga larawan, ordinansya, legal at court documents.
Suportado ito ng 17 mga batas na pirmado ni Duterte noong ito ay pangulo.

Hindi naman na binanggit ni defense lead counsel Peter Haynes kung paano nila gagamitin ang nasabing mga batas na ipinasa sa nasabing pagdinig sa kaso ni Duterte.

Nakatakdang pormal na isagawa ang pagdinig sa ICC ang kasong crime against humanity laban kay Duterte sa Nobyembre.