-- Advertisements --

Nag-anunsyo ang Estados Unidos ng panibagong bugso ng mga taripa sa mga imported na produkto na tatama sa mga pangunahing trading partners nito kabilang ang China, European Union, at 12 pang bansa.

Pinakamataas ang ipapataw na taripa sa China na aabot sa 40 porsyento, na sinusundan ng Vietnam sa 35 porsyento, at iba pang bansa gaya ng Pilipinas na hindi kasama sa listahan ngunit sakop ang ilang kalapit-bansa sa Asya sa antas na 20 hanggang 25 porsyento na ipatutupad sa susunod na taon.

Ayon kay US Trade Representative Jamieson Greer, layunin ng hakbang na ito ni Pres. Donald Trump na protektahan ang mga manggagawang Amerikano at bawasan ang trade deficit ng Estados Unidos.

Agad namang tinutulan ng European Commission ang bagong taripa at nagbabala ang mga ekonomista na maaari itong magdulot ng inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin para sa mga mamimili.

Inaasahan ding lalong magpapainit ang anunsyong ito sa tensyon sa kalakalan sa pagitan ng Amerika at China lalo na’t nakatakdang mapaso ang kanilang trade war truce sa darating na Enero 10.