30 katao ang nai-rescue mula sa 18 oras na pagkaka-hostage sa isang supermarket sa Colombia matapos salakayin ito ng pulis nitong Martes ng gabi.
Ayon kay Colombian President Abelardo de la Espriella at lokal na pulisya, nailigtas anila ang lahat ng mga na-hostage habang napatay naman ang isang umano’y gunman at arestado ang dalawa pa.
“In an extraordinary joint operation between the National Police and the Armed Forces, all the hostages were rescued,” saad ng Colombian president.
Batay sa imbestigasyon, niloob ng mga armadong lalaki ang isang supermarket sa Cartagena, umaga ng Miyerkules, matapos bigo nitong manakawan ang isang armored truck nang mahuli ito ng naka-install na security system sa naturang sasakyan.
Sinubukan nitong tumakas kung kaya’t nagtago ang mga ito sa naturang pamilihan.
Dito, hinostage ng mga armadong lalaki ang mga mamimili habang nakikipagnegosasyon itong patakasin sila ng awtoridad.
Dagdag ni de la Espriella, binigyan aniya ng mga awtoridad ang mga suspek ng pagkakataon na sumuko at palayain ang mga hostage nito, subalit aniya’y itinanggi ito ng mga suspek.
Dito na rin naudyok ang pwersa ng kapulisan na salakayin ang pamilihan na nagtapos sa 18 oras na hostage standoff.
“All people are safe. The priority was to protect life, and this was achieved,” paglilinaw ng kapulisan ng Colombia.
Kaugnay nito, pansamantala ring ipinatigil ang byaheng himpapawid sa Cartagena na nagdulot ng suspensyon ng pagdating ng mga eroplano sa paliparan ng lungsod.













