-- Advertisements --
Isa ang nasawi at sugatan ang 77 iba pa matapos na bumagsak ang Colombian military transport plane.
Kinumpirma ni President Gustavo Petro ang pagbagsak ng C-130 Hercules aircraft.
Base sa imbestigasyon, ilang minuto lamang bago ang pag-take off nito sa Puerto Leguízamo ay bigla na lamang itong bumagsak.
Hindi pa malaman ng mga otoridad ang naging sanhi ng nasabing pagbagsak ng eroplano.
Sinabi naman ni General Carlos Silva, commander ng the Colombian Aerospace Force na ang eroplano ay mayroong 114 na pasahero at 11 crew members kung saan mahigit 100 sa mga pasahero ay sundalo.
















