-- Advertisements --

Ibinunyag ng Russia na mayroong halos kalahating milyong mga sundalo nila ang nasawi mula ng sumiklab ang giyera nila ng Ukraine noong 2022.

Sa bagong inilabas na datos ng Russia na mayroong 490,334 na mga sundalo ng Russia ang nasawi.

Ang nasabing bilang ay taliwas sa naging pagtaya ni Russian President Vladimir Putin kung saan sinabi nitong magtatagal lamang ang giyera ng hanggang ilang araw.

Napasok kasi ng mga hackers mula Belarus at Ukraine ang statistice agency ng Russia kung saan mula 2021 hanggagn Setyembre 2026 ay mayroong mahigit 11 milyon na namatay.

Kinumpirma ng Russian statistics agency ang cyber-attack subalit kanilang itinanggi na naipakalat ang protected information.

Magugunitang itinatanggi ng Russia na maraming mga sundalo na nila ang nasawi mula ng sumiklab ang giyera nila sa Ukraine.