Tiwala ang Malacañang na makakabangon ang ekonomiya ng PIlipinas pagdating ng 2027.
Sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na ang isang dahilan ng maaring pagbagal ng ekonomiya ay dahil sa pagbawas ng pagpondo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) mula sa ilang trillion pesos ay naging P540 bilyon na lamang ngayong.
Dagdag pa ni Recto na ang budget sa susunod na taon ng DPWH ay maaring tumaas ng hanggang P100 bilyon mula sa dating P540 milyon ngayong taon kaya asahan ang mas maraming construction industry sa susunod na taon.
Nanindigan pa rin si Recto na gumaganda pa rin ang lagay ng Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa gaya ng Estados Unidos kung saan ang pagkakautang nila ay mahigit 125 percent ng kanilang Gross Domestic Products (GDP) habang ang Japan ay mayroong national debt na aabot sa 200% ng kanilang GDP.
Ang Pilipinas ay kasalukuyang mayroong 65.66 percent ng GDP kaya hindi pa ito maituturing na nakakaalarma.














