Naglabas ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court Branch 175 laban kay Charlie “Atong” Ang dahil sa pagkakasangkot nito sa mga nawawalang sabungero.
Kasamang naisyuhan ng warrant of arrest laban sa dating pulis na si Police Lieutenant Ryan Jay Orapa.
Kinumpirma ito ng Department of Justice kung saan inilabas ang warrant of arrest noon pang Oktubre 30, 2026.
Sinabi ni DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez , napatunayan ng korte na mayroong sapat na ebidensiya para mapanagot ang mga sangkot.
Naisama kasi si Ang at Orapa sa mga inakusahan sa kaso sa Manila Arena dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention.
PInagbigyan ng Manila RTC Branch 185 ang Motion to Amend Information ng prosecution matapos na mapatunayan ng prosecution panel na mayroong ebidensiya sila para tuluyang madiin sa kaso sina Ang at Orapa.
Bukod sa paglabas ng warrant of arrest ay hindi pinayagan ang dalawa na maghain ng piyansa sa kanilang kaso.
Kasalukuyang mayroong reward si Ang ng P10 milyon matapos na lumitaw ang pangalan noong Disyembre 2025 kasama ang 21 iba pa sa kaso ng 10 coutns ng kidnapping with homicide at 16 counts ng kidnapping with serious illegal detention.
Una na ring sinabi ni DOJ na ang kaso ay inihain sa ilang regional trial courts na kinabibilangan ng Lipa City, Santa Cruz at San Pablo sa Laguna City.














