-- Advertisements --

46 na katao ang nasugatan matapos magsalpukan n ang dalawang pampasaherong tren malapit sa pangunahing estasyon ng tren sa Prague, Czech Republic.

Naganap ang aksidente bandang alas-7:00 ng umaga kabilang sa mga nagtamo ng malubhang pinsala ang dalawang drayber ng tren. Sa kabila nito, walang naiulat na nasawi.

Agad namang rumesponde ang mga rescue personnel at emergency services upang ilikas ang mga pasahero at bigyan ng paunang lunas ang mga nasugatan. Umabot ng halos dalawang oras ang operasyon bago tuluyang mailabas ang lahat ng sakay ng dalawang tren.

16 na dayuhang mamamayan ang kabilang sa mga isinugod sa ospital.

Kinumpirma ng pulisya na kumpleto na ang rescue operation at sinimulan na ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang eksaktong sanhi ng banggaan.

Dahil sa insidente, pansamantalang naapektuhan ang operasyon ng iba pang tren na bumibiyahe papunta at palabas kabisera. Pinayuhan ang mga pasahero na gumamit muna ng alternatibong ruta habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. .