-- Advertisements --

Natapos na ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa Berlin Open.

Ito ay matapos na talunin siya ni Linda Nosková ng Czech Republic sa semifinal round sa score na 2-6, 4-6.

Naging agresibo sa unang set pa lamang si Noskova kung saan nakuha nito ang kalamanagan na 3-1.

Sa ikalawang set ay sinubukan pa ni Eala na talunin ang ranked 13 player subalit ito ay mailap.

Ang nasabing laro ay bahagyang naantala ang pagsisimul dahil sa pagbuhos ng malakas na pag-ulan.

Makakaharap naman ni Noskova sa finals si Jessica Pegula.