Pormal nang tinanggap ng Singapore ang pamumuno sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para sa 2027 sa closing ceremony ng ASEAN Summit and Related Summits 2026.
Sa kaniyang talumpati, pinuri ni Singapore Prime Minister Lawrence Wong ang Pilipinas, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa matagumpay na pagganap nito bilang ASEAN Chair ngayong taon.
“This has been a challenging year for our region and indeed for the world. But under the Philippines’ leadership, ASEAN has remained united and continued to move forward with ambition and purpose,” pahayag ni Wong.
Binigyang-diin din niya ang temang Deeper Integration at Wider Partnership na naglalayong palakasin ang integrasyon at pakikipagtulungan ng mga bansang kasapi ng ASEAN at iba pang pandaigdigang katuwang upang mapalawak ang oportunidad, mapanatili ang kapayapaan at mapatatag ang rehiyon.















