Mayroong limang mga bansa ang nagkaroon ng interest na sumali sa regional oil stockpiling strategy.
Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Cristina Roque, na ang nasabing programa ay isinusulong PIlipinas bilang siya ang chairman ngayon ng ASEAN.
Ang mga bansa aniya ay kinabiiblangan ng Pilipinas, Singapore, Indonesia, Malaysia at Unite Arab Emirates.
Dagdag pa ng kalihim na mag-iistock ang mga ito ng langis sa iba’t-ibang ASEAN countries.
Dahil dito ay mapapadali ang pagbili ng langis sakaling magkaroon ng krisis kaysa bumili pa sa malayong bansa.
Sa nasabing paraan aniya ay makakatipid sa oras sa pera dahil sa malapit lamang ang pagbibilihan ng mga stocks.
Dagdag pa nito na ang Economic Research Institute ng ASEAN at East Asia (ERIA) ay nagsagawa ng pag-aaral sa ASEAN oil stockpiling at kanilang ipinadala ang rekomendasyon sa iba’t-ibang gobyerno.















