-- Advertisements --

Isinusulong ng pamahalaan ang mas mahigpit at organisadong pamamahala sa paggamit ng Artificial Intelligence o AI sa bansa sa pamamagitan ng bagong kautusang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa ilalim ng Executive Order No. 131, itinatag ang National Artificial Intelligence Council o NAIC na mangangasiwa sa pagpapatupad ng mga polisiya at programa para sa responsable at ligtas na paggamit ng AI.

Layunin ng konseho na tiyaking naaayon sa pambansang interes ang pagbuo at paggamit ng makabagong teknolohiya, partikular sa usapin ng seguridad, transparency, pananagutan at proteksyon sa karapatan ng publiko.

Kabilang din sa mga prayoridad ng kautusan ang pagpapalawak ng AI education, pagsasanay sa mga manggagawa, pagpapalakas ng digital infrastructure at pagsuporta sa pananaliksik at inobasyon.