-- Advertisements --
Inimbitahan ni Brazilian President Luiz Inácio Lula da Silva si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na bumisita sa kanilang bansa sa susunod na taon.
Nasa bansa ang pangulo ng Brazil dahil sa pagdalo ng 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Ito rin ang unang pagbisita niya mula ng muling mahalal sa puwesto.
Nitong araw ng Sabado ng magkaroon ng pulong sina Pangulong Marcos at si da Silva kung saan tinalakay ang pagpapatibay ng samahan ng dalawang bansa.
Ipinapaubaya naman ni Palasyo sa Department of Foreign Affairs (DFA) kung matutuloy ang pangulo sa pagbisita sa nasabing bansa.














