-- Advertisements --

Desidido ang Southern Police District (SPD) na kanilang sasampahan ng kaso ang mahigit 200 na indibidwal na inaresto nila dahil sa pagsasagawa ng iligal na kilos protesta.

Ayon kay SPD Director Police BGeneral Rodel Pastor na inaresto ang mga ito sa Sucat People’s Park sa Muntinlupa City nitong araw ng Linggo sa pagsisimula ng 49th ASEAN Summit.

Isinakay ang mga ito sa tatlong trucks ng Philippine National Police.

Karamihan sa mga naaresto ay mga miyembro ng Timog Katagalugan.

Nagkaroon lamang komosyon ng hindi nakipagtulungan ang mga protesters sa kapulisan para magkaroon ng mapayapang kilos protesta.

Dagdag pa ni Pastor na hindi sumama ng maayos at nagawa pang makipaghatakan ang mga protesters.

Paglilinaw nito na kanila lamang ipinapatupad ng tama ang kanilang mga trabaho.

Una ng nakipag-ugnayan ang mga kapulisan sa grupo subalit nagpumilit pa sila na nagsagawa ng kilos protesta at nagsagawa ng programa sa may kalsada.

Dinala pa sa pagamutan ang ilang protesters na nahilo dahil sa naganap na komosyon.

Ang mga naarestong indibidwal ay pansamantalang dinala National Capital Region Police headquarters sa Camp Bagong Diwa sa lungsod ng Taguig.

Kinokondina kasi ng grupo ang implementasyon ng Pax Silica Initiative at ang Luzon Economic Corridor sa Pilipinas.

Kasama na rin kinokontra ng grupo ang pagbisita ni US President Donald Trump na dadalo sa 49th ASEAN Summit.