Gulat at hindi makapaniwala ang P-pop group na SB19 matapos na maisama sila sa listahan ng mga artist na magtatanghal sa sikat na Coachella festival 2027.
Magtatanghal ang grupo mga petsa ng Abril 9-11 at Abril 16-18 , 2027.
Sinabi ng isang miyembro ng grupo na si Stell na pangarap lamang nila noon na makasama sa nasabing music festival.
Pagtitiyak nito na masisiyahan ang mga fans dahil hindi lamang sila mamamasyal doon at sa halip ay kanilang paghahandaan ang nasabing pagtatanghal.
Habang sabi naman ni Pablo na mula pa noon ay kanilang pangarap na makasama sa nasabing music fest kaya maituturing ito na katuparan ng kanilang mga pangarap.
Habang sina Justin at Ken ay sinabing sisimulan na agad nila ang kanilang paghahanda.
Inihayag naman ng miyembro ng grupo na si Josh na isa itong magiging inspirasyon sa mga kasalukuyan at future generations ng mga Filipino artists.
Magugunitang inanunsiyo ng organizer ng Coachella ang kanilang lineup na pinangungunahan ng beteranang singer na si Madonna, Dua Lippa ,SZA at maraming iba pa.














