-- Advertisements --
Arestado ang isang 37-anyos na babae na nahaharap sa limang bilang ng kasong qualified theft sa isang operasyon ng pulisya sa Barangay Lagab, Compostela, Davao de Oro, noong Nobyembre 8, 2026.
Isinagawa ang operasyon ng Compostela Municipal Police Station, katuwang ang 1st Davao de Oro Provincial Mobile Force Company at 1101st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 11.
Nagsilbi ang mga awtoridad ng limang warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 53 noong Abril 21, 2026, na may kabuuang inirekomendang piyansang P462,000.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Compostela Municipal Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon ng kaso.














