Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Samuel matapos nitong patuloy na kumilos palayo sa pambansang sakop.
Huling natukoy ang sentro ng mata ng Typhoon Samuel sa layong 1,410 kilometro Silangan Hilagang-Silangan ng Extreme Northern Luzon sa labas ng PAR habang kumikilos ito Silangan Hilagang-Silangan sa bilis na 10 km/h.
Taglay ng bagyo ang maximum sustained winds na 130 km/h malapit sa sentro at gustiness na umaabot sa 160 km/h.
Inaasahang magpapatuloy ang paglakas ng Bagyong Samuel at posibleng maabot ang sukdulan o peak intensity nito ngayong gabi o bukas ng madaling-araw.
Pagkatapos ng naturang panahon, inaasahang magsisimula na ang paghina ng bagyo dulot ng mga hindi paborableng kondisyon sa kinaroroonan nitong paligid.














