Mabilis na lumakas ang bagyong Francisco habang patuloy na kumikilos sa direksyong west northwestward sa ibabaw ng Philippine Sea.
Ayon sa pinakahuling ulat, ang mata ng bagyo ay tinatayang nasa 620 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Kumikilos ito sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Ang lakas ng hangin nito ay nasa 155 kph at may pagbugsong 190 kph sa loob ng 420 kilometro mula sa sentro.
Nakataas ang typhoon signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
Batanes
Northeastern Cagayan (Gonzaga, Santa Ana)
Eastern Babuyan Islands (Babuyan Island, Didicas Island, Camiguin Island)
Pinapayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maghanda laban sa posibleng epekto ng malakas na hangin at ulan, at patuloy na makinig sa mga abiso ng lokal na pamahalaan.
















