-- Advertisements --

Nais palawigin ng Bureau of Immigration ang electronic immigration gates sa mga arriving at departing passengers sa mga paliparan.

Ayon sa Bureau of Immigration, hindi na kailangan pang sumailim sa face-to-face interviews ang mga pasahero, kaya naman pwede nang magtungo sa automated screening sa pamamagitan ng e-gates.

Bukod pa rito, upang matiyak ang seguridad, muling susuriin ng mga immigration officer ang mga indibidwal na na-flag o namarkahan ng sistema.

Binigyan diin din ni Transportation secretary Vince Dizon, na marapat lamang na sumabay na ang Pilipinas sa international standards upang mas mapabilis at maayos ang pagbiyahe ng mga pasahero.

Layunin din ng inisyatiba ang pagpapabilis ng immigration processing, mabawasan ang passenger queues at mas mapatatag ang airport security.

Nakumpleto na ang ilang mga E-gates expansion sa Clark, Cebu, at Davao, habang kasalukuyan nang nasa proseso ng pagkuha ng ilang kagamitan para sa nakatakdang second phase sa mga provincial international airports.