-- Advertisements --

Ipinag-utos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) officer-in-charge Brig. Gen. Christopher Abrahano sa mga kapulisan ng mahigpit na pagbabantay sa mga lugar kung saan marami ang turista.

Kasunod ito sa ilang krimen na ang mga biktima ay dayuhang turista sa lungsod ng Maynila at Paranaque.

Tiniyak ni Abrahano sa mga dayuhang turista ang mabilis na aksyon ng kapulisan laban sa mga iba’t-ibang crime groups.

Kasabay din nito na dapat ay doblehin ng mga kapulisan ang kanilang presensiya sa mga tourist destinations, simbahan, hotels at mga commercial establishments.

Magugunitang nabiktima ng pag-hoholdap ang isang South Korean national habang naglalakad sa lungsod ng Parañaque kung saan naaresto rin ang isang suspek sa follow operations sa Sta. Cruz, Manila habang patuloy tinutugis ang dalawang iba pa.

Habang biktima ng ‘Ativan Gang’ ang isang Chinese tourist malapit sa San Agustin Church kung saan limang suspek na ang naaresto.