-- Advertisements --

Nakuha ng Miami Heat ang panalo kontra Los Angeles Clippers sa score na 117-116 matapos ipasok ni Klay Thompson ang three-pointer shot ilang segundo bago matapos ang overtime game.

Nanguna sa kupunan ng Miami Heat si Bam Adebayo matapos makapagtala ng 35 points, 10 rebounds, Klay Thompson na may 30 points, kasama ang walaong 3 pointer shot, at 27 points at 14 rebounds naman kay Giannis Antetokounmpo.

Nakahabol ang Heat mula sa 20-puntos na kalamanagan sa ikalawang quarter ng Clippers, maging sa huling bahagi ng fourth quarter ay lamang pa rin ng 10 points ang Clippers bago unti-unting nakabawi ang Miami at naidala ang laban sa overtime.

Pinangunahan ni Darius Garland ang Clippers sa 26 points at 7assists, habang nagdagdag si Rui Hachimura ng 21 points at si Brook Lopez ng 20 points.

Sa huling sandali ng overtime, nakuha ni Antetokounmpo ang defensive rebound bago ipinasa ang bola kay Thompson, at naipasok ni Thompson ang kanyang 3 points shot.

Dahil sa pagkatalo, umabot na sa pitong sunod na laro ang pagkatalo ng Clippers. Samantala, ikatlong panalo ito ng Miami sa huling apat na laro matapos magsimula ang season sa apat na sunod na pagkatalo.

Sunod na makakaharap ng Miami Heat ang Golden State Warriors sa Huwebes, habang sasagupain naman ng Clippers ang New Orleans Pelicans sa Linggo.