-- Advertisements --

Kinontra ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. , ang naging panawagan ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na dapat ay magdahan-dahan ang Pilipinas sa pagbibitaw ng salita at hakbang sa usapin ng West Philippine Sea kung saan hindi umano nagsasabi ang Pilipinas ng katotohanan.

Ayon kay Teodoro, na ang ginagawa nito ngayon ay siyang katotohanan at hindi tama na gawin pang sinungaling ang Pilipino.

Hindi aniya tama na diktahan ng China ang Pilipinas sa paglalantad ng katotohanan dahil sa makikita ito sa inilabas na ng arbitral ruling.

Reaksyon ito ni Teodoro sa naging pag-uusap sa telepono nina Wang at Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro na dapat ay kilalanin ng Pilipinas ang umiiral na One China Policy at maging maingat ang Pilipinas sa pananalita at hakbang nito ukol sa isyu ng West Philippine Sea.