-- Advertisements --
Mas pinaigting na ngayon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagbibigay ng seguridad para sa gaganaping 49th ASEAN Summit and Related Summit na gaganapin sa Nobyembre 16-18.
Ayon kay NCRPO officer-in-charge Brig. Gen. Christopher Abrahano na mayroong ilang libong mga kapulisan ang itinalaga para magbigay ng seguridad sa mga lider at bisita na dadalo sa nasabing pagtitipon.
Bukod sa seguridad ay mag-aalalay din ang NCRPO sa daloy ng trapiko para hindi magkaroon ng aberya ang mga lider na dadalo.
Halos araw-araw ay nagsasagawa ito ng mga revisions para mas lalong mapaigting ang pagbibigay ng seguridad sa mga lugar kung saan gaganapin ang pagtitipon.
Ilan sa mga inaasahang dadalo ay si US President Donald Trump.














