-- Advertisements --
Mahaharap sa panibagong hamon si Pinay tennis star Alex Eala sa nagpapatuloy na pagsabak nito sa 2026 Pan Pacific Open sa Tokyo.
Matapos kasi ang panalo niya kay Talia Gibson ng Australia sa score na 4-6, 6-2, 6-0 ay pasok na ito sa quarterfinals.
Susunod na makakaharap nito si World number 13 na si Diana Shnaider ng bansang Russia.
Inalala ni Eala ang laban niya kay Gibson kung saan ang tanging naging sekreto nito para manalo ay ang hindi basta bumigay.
Noong nakaraang Huwebes ay tinalo ni Shnaider si Eala sa Ningbo Open sa score na 7-5 at 6-4.
Inaasahan na ipapakita ng 21-anyos na si Eala ang kaniyang pagbawi sa nasabing muling paghaharap niya sa Russian tennis player.
















