-- Advertisements --

Pumanaw na ang theater actress-singer na si May Bayot-De Castro.

Kinumpirma ito ng kaniyang kapatid na si Lani Misalucha.

Hindi na nito binanggit pa ang dahilang ng kamatayan ng kapatid.

Siya ang gumanap bilang original na Elsa sa stage adaptation ng “Himala” noong 2003.
Noong 2019 ay bumalik si Cupang bilang bahagi ng “Himala: Isang Musika”.

Noong Hulyo ay humingi ng pagdarasal ang singer na si Lani para paggaling ng kapatid matapos na ito ay dinala sa pagamutan dahil sa serious complication.

Nakasaad sa Go Fund Me post ng isa pa nilang kapatid na si Karlyn Scali na dumaranas ang kapatid nila ng “primary myelofibrosis” isang uri ng bone marrow cancert.