-- Advertisements --

Desidido ang aktres na si Claudine Barretto na sampahan ng kasong cyberlibel laban kay Cristy Fermin at co-host nito na si Rommel Villamor o kilala bilang si Rommel Chika.

Ayon sa aktress na sa tutungo ito sa National Bureau of Investigation (NBI) ngayong Martes, Oktubre 20 para isampa ang kaso.

Inalmahan kasi ng aktres ang komento ni Fermin na mayroon umano itong bipolar at binubully umano ito ng kaniyang kapatid na si Gretchen at nagparetoke umano pa ang aktres kaya ito naospital.

Nakiusap na ang aktres na tigilan na siya ni Fermi subalit hindi pa rin ito huminto.

Naglabas din ang abogado ng aktres na si Atty. Lance Abrahm Mateo ng Cease and Desist para kay Cristy at Rommel.

Layon nito ay para tigilan sina Fermin at Rommel ang ginagawa nilang pag-harras sa aktres.