-- Advertisements --
Sinagot na ng actor na si Raymart Santiago ang alegasyon ng ina ng dating asawang si Claudine Barretto na si Inday.
Sinabi ng actor na kahit na pinili niyang manahimik at ipaubaya na lamang sa abogado nito na maglabas ng pahayag ay minabuti niyang magsalita na rin sa isyu.
Sa kaniyang social media account, sinabi nito na masakit ang alegasyon dahil naaapektuhan ang kanilang mga anak.
Dagdag pa nito na kung makapagsalita ang ilang katao aniya ay parang alam nila ang tunay na kuwento ng kaniyang buhay.
Sa bandang huli aniya ay mas pinili niya na respetuhin at ipaubaya na lamang ang paglipas ng panahon.
Magugunitang ibinunyag ng ina ng actress ang pananakit ng actor noong sila ay nagsasama pa lamang.












