Nanawagan si Senator Bong Go sa publiko na ipagdasal ang maayos na kalusugan at kaligtasan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng muling personal nitong pagharap sa International Criminal Court (ICC) ngayong Martes.
Hinimok din ng senador ang taumbayan na kilalanin ang sakripisyo at maging husga sa mga nagawa ng dating lider na kaniyang iginiit na ginawa ang lahat para sa kinabukasan ng mga kabataan sa loob ng anim na taon nitong panunungkulan.
Isinagawa ni Go ang pahayag kasabay ng pagdalo ni Duterte sa ikaapat na status conference sa The Hague, ang ikalawang personal nitong pagharap sa loob ng dalawang buwan, upang ayusin ang mga detalye at paghahanda sa kaso.
Nahaharap ang dating pangulo sa tatlong bilang ng crimes against humanity kaugnay ng diumano’y pagkakadawit sa hindi bababa sa 76 na pagpatay mula 2013 hanggang 2018 sa gitna ng kaniyang kampanya kontra droga.
Itinakda ng ICC ang simula ng opisyal na paglilitis sa Nobyembre 30 na inaasahang tatagal nang ilang buwan o taon.













