-- Advertisements --
Nalusutan ng Gilas Pilipinas U18 womens ang New Zealand 69-64 sa FIBA U18 Women’s Asia Cup 2026 na ginaganap sa Karisma Arena , Malaysia.
Naging malaking bahagi ng panalo ng Gilas Women si Rhiane Perez matapos na makakuha ng foul mula sa kaniyang layup para makuha ang 65-64 na kalamangan sa natitirang 49.9 segundo ng laro.
Ito ang unang panalo ng Gilas Women sa Divison A ng kompetisyon.
Nanguna sa panalo ng koponan si Zaydhen Rosano na nagtala ng 23 points, pitong rebounds habang mayroong 13 points, anim na rebounds, isang assists, dalawang steals at isang block si Perez.
Sa araw ng Huwebes ay sasabak ang Gilas Women para sa Qualification ng Semi-Finals para makuha ng ikatlong puwesto sa Group A na mayroong isang panalo at dalawang talo.
















