-- Advertisements --
Inilabas na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang final 12 na manlalaro ng Gilas Pilipinas para sa paghaharap nila kontra Iran ngayong araw, Agosto 30 para sa fourt window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Gaya ng unang mga listahan noong pagharap nila sa Jordan ay walang nabago at tanging napalitan lamang ay si Carl Tamayo.
Papalitan ni Justin Arana si Tamayo matapos na magtamo ito ng injury sa laro nila ng Jordan nitong Biyernes, Agosto 28.
Ito ang unang paglalaro ni Arana sa Gilas Pilipinas.
Magugunitang sa unang laro ng Gilas Pilipnas sa fourt window ay pinangunahan ni June Mar Fajardo, Justine Baltazar, AJ Ed, Juan Gomez De Liano,Chris Newsome, CJ Perez, Kevin Quiambao, Dwight Ramos,Troy Rosario, Kai Sotto at Scottie Thompson.
















