-- Advertisements --

Binasag na ng aktor na si Patrick Garcia ang katahimikan nito ukol sa usapin na inabandona umano nito ang dating nobyang si Jennylyn Mercado noong ito ay nagdadalang tao.

Sinabi nito na sa limang anak niya kung saan ang panganay na si Jazz ay anak nila ng aktres habang ang apat ay anak niya sa kasalukuyang asawang si Nikka Martinez.

Dagdag pa nito na naging malaking hamon para sa kaniya ang pag-alaga kay Jazz dahil sa hindi ito naninirahan sa kaniyang poder.

Mula pa aniya noong 2021 ay makailang ulit na itong lumalapit sa aktres subalit wala itong nakukuhang anumang kasagutan.

Paliwanag nito kaya siya nagsalita ay dahil sa mga puna na natatanggap kaya ang isang anak nitong si Michelle ang nanghikayat sa aktor na magsalita na.

Nagkaroon umano ng isyu noong nagbubuntis ang aktres kung saan sinabing hindi umano ito sa aktor kaya naguluhan ito bahagya kaya napilitan ito ng lumayo muna.

Mula noon ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan at naputol na ang komunikasyon maging ang sustento umano ng aktor ay naputol dahil sa hindi niya makakapiling ang anak nito.

Giit nito na hindi siya masama gaya ng pag-aakala ng maraming tao kaya hindi ito tama na pagsabihan siya ng ganun.