-- Advertisements --

Maghahain ang Department of Foreign Affairs ng diplomatic protest laban sa China kaugnay ng pagpapaputok umano ng flares ng People’s Liberation Army patungo sa isang unarmed Philippine Coast Guard aircraft na nagsasagawa ng maritime domain awareness flight sa kalayaan island group.

Ayon kay Misamis Occidental 2nd District Representative Sancho Fernando Oaminal, hinihintay muna ng dfa ang detalyadong incident report bago pormal na ihain ang protesta.

Hinimok naman ni Philreca party-list representative Presley de Jesus ang DFA na maghain din ng protesta kaugnay ng note na iniabot kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. habang nasa Seoul defense dialogue sa South Korea.

Nilalaman umano nito ang pagtutol ng China sa West Philippine Seaarbitral award.

Sinabi ni Oaminal na mas mainam na resolbahin ang magkakaibang posisyon sa pamamagitan ng itinatag na diplomatic channels at alinsunod sa courtesy at professionalism sa international engagements.

Gayunman, sinabi ng DFA na igagalang nito ang mga pahayag ni Teodoro at patuloy nitong tutugunan sa pamamagitan ng diplomasya ang mga naturang insidente.