-- Advertisements --

Umalma si ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio kaugnay ng kawalan umano ng aksyon ng administrasyong Marcos sa patuloy na epekto ng transboundary haze pollution sa bansa.

Sa deliberasyon ng panukalang badyet ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), inihambing ng mambabatas ang mabilis na pakikipag-ugnayan ng Malaysia sa Indonesia habang pinalagan ang kawalan ng kaparehong high-level response ng Malacañang.

Ayon kay Tinio, hinahayaan lamang ng pamahalaan na magsuot ng mask o magsuspinde ng klase ang publiko sa halip na gumawa ng konkretong hakbang upang protektahan ang mamamayan sa mapanganib na polusyon.

Nauna nang naapektuhan ng makapal na usok mula sa mga sunog sa Borneo Island, Indonesia ang mga katabing bansa kabilang ang Malaysia, Singapore, at Pilipinas.

Batay sa mga ulat, umabot na sa halos 300,000 ektarya ng lupain ang natupok sa Indonesia ngayong taon na nagdulot ng mataas na antas ng carbon emissions simula noong huling bahagi ng Hulyo.

Samantala, nagbabala naman ang DENR sa mataas na antas ng PM2.5 sa ilang lugar sa bansa at pinayuhan ang publiko na limitahan ang mga outdoor activity upang maiwasan ang sakit sa respiratory system.