Naghahanda ang Philippine Ports Authority sa posibleng pagdami ng mga pasahero sa mga pantalan ngayong “Ber months,” kasunod ng sunod-sunod na bagyo at pag-ulan dulot ng habagat.
Ayon kay PPA spokesperson Eunice Samonte, posibleng dumami ang mga biyahero matapos maantala o makansela ang ilang biyahe dahil sa masamang panahon.
Dahil dito, naka-heightened security na umano ang mga pantalan, partikular sa mga access points.
Patuloy rin ang training ng port police kasama ang k9 units at Philippine Coast Guard.
Mas paiigtingin din ng PPA ang koordinasyon sa mga shipping line upang masiguro ang maayos na passenger flow at operasyon kapag sumapit ang peak season.
Naka-deploy din ang 24/7 CCTV monitoring, regular na port patrol at mga bagong x-ray scanner bilang karagdagang security measures sa mga pantalan.
















