-- Advertisements --
ILOILO 3 1 1

ILOILO CITY – Kinumpirma ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na naipamahagi na ang 99 percent sa P16.44 billion para sa Barangay Development Program.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr. Jeffrey Celiz, consultant ng NTF-ELCAC, sinabi nito na P16.289 billion sa kabuuang P16.44 billion BDP fund ang natanggap na ng mga provincial at city governments.

Ayon kay Celiz, 822 barangays ang kasama sa unang batch at 1,406 naman sa ikalawang batch ng mga benefeciaries nga DBP matapos napatunayang wala nang presensya ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, and National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ang bawat benefeciaries ay may nakalaang P20 million para sa development package para sa farm-to-market roads, health stations, classrooms, water at sanitation systems, rural electrification at livelihood projects.