-- Advertisements --

Nasa 99 katao pa ang hindi pa nakikita mula sa gumuhong 12-storey building sa Surfside Florida.

Ayon sa mga Miami rescuers na kinabibilangan ito ng apat na Venezuelan at siyam Argentinian Citizens ang nawawala.

Sinabi naman ni Venezuela’s consular affairs director Brian Fincheltub na nakilala na nila apat na kababayan nilang nawawala.

Tiniyak naman ni Miami-Dade County Mayor Daniella Levine Cava na ginagawa ng kaniyang mga rescuers ang kanilang makakaya para mailigtas ang mga natabunan.

Naglagay naman ng pansamantalang tirahan si Florida Governor Ron De Santis sa mga naninirahan sa gumuhong gusali.

Nakikpag-ugnayan na rin ang White House at Federal Emergency Management Agency (FEMA) sa mga local officials ng lugar para mapabilis ang pag-rescue.

Magugunitang isang naitalang nasawi habang 10 ang inisyal na naitalang nasugatan sa pagguho ng gusali kung saan inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi nito.