-- Advertisements --
image 265

Halos 97% sa mga kadete ng Philippine Military Academy ang pumasa sa Civil Service Exam na ibinigay ng Civil Service Commission.

Ito ang lumabas sa resulta ng Mrach 26 CSC Examination kung saan may kabuuang 297 na kadete ng PMA ang kumuha sa nasabing pagsusulit.

Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, ito ang unang pagkakataon na kumuha o sumailalim sa pagsusulit ang mga kadete ng PMA.

Mula sa 297, 288 sa kanila ang pumasa, o katumbas ng 97% na passing rate.

Napakataas ito aniya dahil sa ang National rate ay umaabot lamang sa 16.88%

Maalalang ibinigay ng CSC ang nasabing pagsusulit sa mga kadete ng CSC, bilang tugon sa kagustuhan ng pamunuan ng PMA na mabigyan ng special eligibility ang mga kadete para makapagsilbi rin ang mga ito sa Civil Service at hindi lamang sa unipormadong hanay.