-- Advertisements --

Inanunsiyo ni dating Malaysian Prime Minister Mahatir Mohamad na ito ay tatakbo muli sa parliamento sa darating ng general election.

Ito ay kahit na sa edad nitong 97 at makailang beses ng dinala sa pagamutan.

Sinabi nito na naging maganda na ang kaniyang kalusugan matapos na ma-ospital dahil sa problema sa kaniyang puso.

Dalawang beses na itong naging prime minister Malaysia at sa loob ng 22 taon na panunungkula n ay itinalaga siya noong 2018 sa puwesto sa edad na 92.

Hindi naman nito binanggit kung magiging prime minister siya dahil depende pa rin ito kung manalo ang kaniyang partido.

Nitong Lunes kasi ay na-dissolve ang parliyamento para mabigyang daan ang halalan.

Taong 1964 ng maging miyembro siya ng parliyamento at siya ang nagpaunlad ng nasabing bansa.

Nagretiro siya sa taong 2018 na pinalitan ni prime minister Najib Razak subalit inakusahan ang pumalit sa kaniya ng kurapsyon kaya ibinalik siya sa puwesto.

Pinatalsik si Mahatir noong Pebrero 2020 ng ang kaniyang kaalyado ay hindi nakayanan ang problema sa kanilang grupo.

Sumailalim na sa heart bypass surgeries ang 97-anyos na si Mahatir at noong nakaraang buwan ay na-ospital ito matapos magpositibo sa COVID-19.