-- Advertisements --

Nagbalik na sa full face to face classes ang nasa 94% ng mga pampublikong paaralan sa Metro Manila simula ngayong araw, Nobiyembre 2 makalipas ang mahigit dalawang taon mula ng tumama ang COVID-19 pandemic sa bansa.

Ayon kay Department of Education (DepEd) spokesperson Michael Poa, base sa data mula sa NCR regional director, 100 porsyento ng kanilang mga estudyante ay nagbalik na sa in-person classes.

Sinabi din ng DepEd official na ang pagbabalik ng mandatory in-person classes sa public schools ay naging maayos.

Kasalukuyang nag-aantay din ang ahensiya ng report mula sa kanilang regional offices kaugnay sa mga sitwasyon sa kanilang nasasakupang mga paaralan sa iba’t ibang dako ng bansa.

Una ng inamin ng DepEd na may kakulangan sa ngayon sa magagamit na silid-aralan ng mga estudyante at mga guro sa ilang public schools na ginamit bilang evacuation centers subalit inanunsiyo ng ahensiya na tuloy pa rin ang implementasyon ng full in-peson classes.