Nasa 93,600 indibidwal mula sa listahan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang posibleng irekomenda na matanggal dahil maituturing ang mga ito na non-poor na.
Ayon kay DSWD spokesperson Asec. Rommel Lopez na mula sa 1.3 million benepisyaryo ng 4Ps, nasa 187,000 na angnatanggal habang nasa 1 million pa o 22% ang sumasailalim sa validation.
Ang slots na mababakante ay ibibigay sa mga nasa waiting list ng ahensiya.
Mayroon namang 24,000 benepisyaryo ang boluntaryong umalis sa programa.
Ilan sa mga dahilan para sa delisting ng mga benepisyaryo ay natural attrition o kapag ang isang bata na nakakatanggap ng cash aid mula sa gobyerni ay adult na o kapag ang oamilya ay nakaalpas na mula sa kahirapan.
Ang iba pang dahila ay non-compliance ng beneficiary sa standards at requirements ng programa at may mga benepisyaryo na natanggal din sa program dahil mahigit pitong taon na ang mga ito.
-- Advertisements --