-- Advertisements --
Ligtas nang nakauwe sa bansa ang unang batch ng mga overseas Filipino workers na humiling ng repatriation sa pamahalaan mula sa Lebanon.
Ito ay nang dahil pa rin sa nagpapatuloy na kaguluhan ngayon sa pagitan ng Israeli defense forces at militanteng grupong Hamas.
Sa ulat bandang alas-6:00 kaninang umaga lumapag sa Ninoy Aquino International Airport terminal 3 ang flight ek336 na sinakyan ng anim na OFW na mga ito mula sa Dubai, United Arab Emirates.
Kung maalala, noog Oktubre 21 ay itinaas ng gobyerno ng Pilipinas sa alert level 3 ang Lebanon na nagpapatupad ng voluntary repatriation.