Halos 900 na mga kabataan na kinuha para labanan ang Boko Haram nailigtas na.

Ang 894 na kabataan na kinabibilangan ng 106 kababaihan ay ni-recruit ng Civilian Joint Task Force sa Maiduguri sa northeast Nigeria.

Ang CJTF ay isang local militia na itinaguyod noong 2013 para malabanan ang insurhensiya sa rehiyon.

Ayon sa UNICEF, mahigit 3,500 kabataan ang nirecruit ng grupo mula pa noong 2013 hanggang 2017 dahil sa nagaganap na kaguluhan sa northern Nigeria.