-- Advertisements --
Patay ang siyam na katao matapos ang pagbagsak ng dalawang US Army helicopters sa Kentucky.
Nasa training mission malapit sa Fort Campbell military base ang mga sundalo na miyembro ng 101st Airborne Division.
Kinumpirma ng Military officials na siyam na sundalo nila ang nasawi at itinuturing na ito ay isang nakakalungkot na pangyayari.
Inaalam pa ng mga otoridad doon ang sanhi ng nasabing insidente.