-- Advertisements --
Nasa siyam katao ang nasawi sa naganap na stampeded sa isang konsiyerto sa Guatemala.
Kabilang sa nasawi ang dalawang 12-anyos na bata na naipit sa stampede ng malaking rock concert sa Quetzaltenango city ng western Guatemala.
Dinala naman sa pagamutan ang anim na katao matapos magtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.
Base sa ilang nakasaksi na mayroon lamang dalawang labasan ang venue kaya marami ang nagtulukan palabas.
Ang nasabing concert ay taunang isinasagawa bilang bahagi ng kanilang independence day.