-- Advertisements --

Patay ang siyam na katao sa naganap kilos protesta sa Dakar at ilang lungsod sa Senegal.

Sumiklab ang kilos protesta matapos ang pagbaba ng hatol sa opposition leader na si Ousmane Sonko.

Hinatulan kasi ng dalawang taon na pagkakakulong na maaaring masira ang tsansa nitong tumakbo a pagkapangulo sa susunod na taon.

Napatunayan ng korte na guilty si Sonko sa pang-aabuso sa mga kabataan.

Hindi na dumalo sa pagdinig ng kaso ang 48-anyos at maaring maaresto ng anumang oras.

Ang dating tax inspector ay pumangatlo sa halalan noong 2019 presidential election kung saan maari pa nitong iapela ang nasabing kaso sa korte.

Tiniyak naman ni Government spokesman Abdou Karim Fofana na ginagawa nila ang lahat ng makakaya para mapanatili ang kapayapaan sa lugar.