-- Advertisements --

Patay ang siyam na katao sa nangyaring karambola ng anim na sasakyan sa Las Vegas, Nevada.

Base sa imbestigasyon ng mga kapulisan na may isang mabilis na sasakyan ang dumiretso kahit na naka-pula na ang traffic light.

Tumama ito sa anim na sasakyan kung saan mayroong 15 katao ang nadamay.

Nasawi rin ang mga nasa loob ng sasakyan na nag-beating the red light.