-- Advertisements --

Iniulat ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na aabot na sa siyam na katao ang nasawi sa kanilang lugar dahil sa Leptospirosis.

Mula sa naturang bilang, aabot sa dalawang kaso ang naitala sa Barangay Payatas B.

Tig-isang kaso naman ang naitala sa Barangay Commonwealth, Batasan Hills, Central, Tatalon, habang nasa tatlong kaso ang naitala sa iba pang mga barangay.

Sa datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, ang kaso na ito ay mas mataas ng 80% kung ikukumpara sa bilang ng nasawi noong nakalipas na taon na umabot sa lima.

Dahil dito ay muling nagpaalala ang Quezon City Epidemiology and Surveillance Division sa publiko na iwasan ang paglusong sa tubig baha lalo na kung may sugat sa paa.

Dito kasi ay maaaaring pumasok ang virus mula sa ihi ng daga habang mas mainam rin na hugasan ng mabuti ang katawan na lulusong sa baha.

Maaari namang magtungo sa health center o ospital upang makapag avail ng post-exposure prophylaxis na siyang proteksyon sa leptospirosis.