-- Advertisements --

Ilang ospital pa sa bansa ang nag-deklara ng full capacity sa kanilang mga pasilidad na inilaan para sa COVID-19 patients.

Ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire, ang sumusunod na mga pagamutan ang nag-anunsyong okupado na ang kanilang pasilidad para sa confirmed cases ng sakit:

-University of Santo Tomas Hospital
-F.Y. Manalo Medical Foundation, Inc.
-Bataan General Hospital and Medical Center
-QualiMed Health Network Sta. Rosa
-University of Perpetual Help-Dr. Jose G. Tamayo Medical University Foundation, Inc.
-Tricity Medical Center, Inc.
-Westlake Medical Center
-Antipolo City Medical Hospital
-Ortigas Hospital and Healthcare Center, Inc.

Simula kahapon, tatlong ospital na sa Metro Manila ang nag-deklara rin ng full capacity sa COVID-19 allocated beds.

Kamakailan naman nang ianunsyo ng DOH na may 11 ospital sa Metro Manila ang nasa parehong estado.

Sa bagong datos ng Health department, lumalabas na 49-percent ng allocated critical care facilities ng higit 1,312 na ospital sa bansa ang okupado ng COVID-19 cases.