KALIBO, Aklan – Sugatan ang siyam na buwang sanggol na babae matapos mahulog mula sa ginagawang bintana sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa Brgy. Tul-ang, Ibajay, Aklan.

Maliban sa mga gasgas ay nagkaroon ng malaking bukol sa ulo ang naturang bata.

Ayon sa ina ng sanggol, na tumangging magpabanggit ng pangalan, hindi niya namalayan na nakagapang ang kanyang anak papunta sa ginagawang bintana ng kanilang bahay at aksidente itong nahulog.

Nakita na lamang ng ina na umiiyak ang biktima sa ibaba sa labas ng kanilang bahay.

Patuloy itong inoobserbahan sa Aklan Provincial Hospital at nakatakdang isailalim sa CT scan examination.