-- Advertisements --

Target ng pamahalaan na makapagbakuna ng hanggang 9 milyon katao sa second round ng Bayanihan, Bakunahan, na gaganapin sa Disyembre 15 hanggang 17.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon ang target na bilang na ito nila ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. ay mas mababa naman kaysa 7 milyon katao na inaasahan ni Health Secretary Francisco Duque III na mababakunahan sa loob ng tatlong araw.

Magugunita na sa unang yugto ng Bayanihan, Bakunahan ay aabot sa mahigit 10 milyon katao ang nagawang mabakunahan kontra COVID-19.

Ngayong papalapit na ang second round nito, tiniyak ni Dizon na mayroon pa ring sapat na supply ng bakuna at heringgilya ang bansa para sa naturang aktibidad.

Prayoridad aniya nila sa pagkakataon na ito ang mga tatanggap ng second dose ng bakuna.